Josef Hari Jamias Plata
Agosto 23, 1987 - Virgo

Augustinian . Mascian .
Lasallian . Reality Shows .
Sentimentals . Reggae .
Movies . HTML .
Mathematics . Art


   












rss feed



10.1.2008
ibang panig.

Kung may problema ka, sabihin mo kaagad sapagkat hindi ito naiintindihan ng iba. Pero kung wala, ano ang sasabihin mo lalo pa kung nagtanong sa iyo kung ano ang problema mo. Kung sinabing wala, wala talaga. Pag-iisipan ka pang meron kung wala naman talaga, paano naman iyon? Nagpapaubaya sa pangungulit, hindi pa ba malinaw na wala talagang problema?

Hindi naman maaaring maging problema ang hindi pagsama sa pagkain ng meryenda kung ginagawa itong dahilan sa ganitong bagay. Hindi naman talaga dapat sapagkat ibang aspeto na ito at hindi nangangahulugang may problema. Magkaiba ang may problema sa nagsasawalang kibo dahil wala sa sariling makipagkulitan. Wala sa sarili upang makipag-usap dahil walang laman ang tiyan na siyang magpapagana ng utak.

Kung wala naman talagang problema, dapat wala ring kahulugan ang paglalakad sa kalyeng nagkakasama pa rin. Subalit, paano kung hindi nagkaunawaan dahil sa isang tinging nakapanlilisik, animo'y nagpapahiwatig ng problema. Paano rin kung hindi lang naging malinaw ang pakikitungo dahil pilit na nangunguna sa paglalakad at hindi nakikipag-usap? May problema pa rin ba?

Sumakay ka ng pampasaherong dyip. Akala mo'y magsasabay ng pag-abot ng bayad sa tsuper. Tila may kahulugan ang pagkilos kung kaya naisipang gumanti at kumilos mag-isa. May problema pa rin ba? Magkakaroon pa lang ata.

Bumaba ng dyip. Naglakad patungo sa sakayan ng bus. Nakita ang kaibigan dati. Nag-usap. Dumating ang bus. Sumakay sa bus. Magkatabi sa upuan subalit hindi nag-uusap. May problema na nga ata.

Nang bumaba sa bus, pilit akong nakikiramdam kung ano na ang kahihinatnan. Dahan-dahan akong naglakad at pasimpleng sumisilip kung nasaan na ang nagsasabing may problema. Naghahanap ng kasagutan kung may problema subalit wala naman ata sapagkat may huling sinambit, "Sige."

Ilang araw ang lumipas, aking inaalam kung may problema pa rin. Pinakikiramdaman at naghihintay ng unang pagkilos buhat sa kabilang kampo. Naghintay ako ng wala. Mukhang wala na ngang iisiping may problema sapagkat mayroon na nga talaga. Ni isang bigkis ng salita ay walang natamo sa bawat isa.

Dumating ang isang asignatura kung saan magkamag-aral. Naghihintay kung may pag-usad ba o may pagbabago. Halos lahat ng upuan ay naupuan na maliban sa aking tabi at likuran. Hindi ko lubos maisip kung bakit sa likod tumungo. Nangangahulugan ngang may problema.

Natapos ang asignaturang iyon. Naghihintay pa rin ng masasambit. Pareho ba kaming nakikiramdam? Hindi ko mawari. Basta alam kong alam niya na kapag may problema, kausapin lang ako sapagkat nakakausap ko naman siya. Ano ang nangyari? Wala kaming kibuan hanggang siya ay lumisan.

Pagkalisan niya, ako ay may klase. Nagtungo ako roon sa loob nang isang oras. Natapos ang klase at nanubok alamin kung may problema nga ba. Nagtungo ako sa tambayan at inalam kung nag-aabang siya sa akin tulad ng ginagawa ko sa kanya. Hindi na ako nagtaka kung bakit wala siya. May problema na nga talaga.

Kinabukasan, hindi na kami nagsabay sa pag-uwi matapos nagkaroon ng pagsasalu-salo. Alam kong wala nang masasakyan sa ganoong oras. Batid din naman siguro niya. Sinisi ako sa pag-iwan, may masasakyan nga ba? Naghanap ako ng ibang ruta kung saan alam kong may masasakyan. Bakit hindi siya sumama? May problema na nga talaga.

Naipaskil ko nang 02:51.


8.28.2007
isa lang.

Bakit ganun? Matagal ko nang tinatanong sa sarili ko kung bakit hindi ako pwedeng maging progresibo sa magkaparehong bagay. Dapat at kailangan ay iisa lang. Tulad ngayon, katatapos ko lang maging masagana sa pera (dahil birthday ko) kung kaya lugmok ang mga marka kong nakukuha. Kung minsan, kapag wala akong pera, mataas ang aking marka. Minsan naman, kapag may gusto akong gawin o matamo, nakukuha ko pero laging may kapalit na kamalasan. Basta! Laging hindi naaayon sa positibo. Madalas kapag may swerte, may malas. Hindi ko naman maintindihan. Hindi ko talaga maunawaan. Ganun kaya talaga ang nakatadhana sa akin? Naiinggit tuloy ako sa ibang tao riyan sapagkat hindi lang sila sa isang bagay nagiging masagana. Nakakawalang gana tuloy. Exam ko pa naman bukas. Hay.. such a loser.

Naipaskil ko nang 01:59.


1.2.2007
penitensiya sa bagong taon.

Para hindi mahaba, maiksi lang isusulat ko. Nang nakaraang tatlong araw, ako ay tag-gutom. Mula Disyembre 30 hanggang Enero 1, isang beses sa isang araw na lang ako kumain.

Dapat kapag bakasyon ay nagpapataba. Pambihira, kung dati-rati ay tanghalian at hapunan ang oras ng aking pagkain, ngayo'y hapunan na lang. Iba na kapag tumataba, kailangan magpapayat. Kasalanan ko ba kung sumeseksi ako at hindi ko mapigilang humugis bote ng kola ang aking pangangatawan. Daig ko pa ang mga babae riyan.

Nyek. Tanghali ka ba naman kasi gumising at kayo'y nakatokang lumarga sa lalong madaling panahon. Magkakaroon ka pa ba ng oras kumain kung kainan din ang patutunguhan? Darating kami sa handaan, niluluto pa pala ang pagkain. Hinintay namin maluto ang mga pagkain hanggang sumapit ang gabi. Pangit kasi kapag installment ang hinahanda sa hapag kainan. Kaya hayun, hinantay sabay-sabay ilapag sa hapag kainan ang mga pagkaing aming kakainin. Dahil ako ay nalipasan marahil ng gutom, mabilis mabusog at pihikan sa pagkain, kaunti lang din ang aking kinain. Kaya ang nangyari, less than 100 lbs na lang ang aking timbang. Sana hindi.

Naipaskil ko nang 18:08.


Previous Page

Next Page